Guo – kinasuhan na sa DOJ

Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons act si suspended Bamban Mayor Alice Guo para sa ‘di umano’y koneksyon nito sa POGO scam hub sa kaniyang munisipalidad.

Nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at PNP-CIDG para isumite ang kahun-kahong ebidensya laban sa alkalde.

Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Ty – lumabas daw ang kaugnayan ni Guo sa naturang na-raid na POGO hub.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa naturang reklamo – ang pangalang ginamit din ay ‘Guo Hua Ping’ – ang pangalang nakasulat sa dokumentong ipinakita ni Senador Sherwin Gatchalian na ‘di umano’y totoong pagkatao ng suspended mayor.

Sa ngayon, pino-proseso na umano ang pagsasailalim kay Guo sa Immigration Lookout Bulletin o ILBO nang sa gayon ay ma-monitor ang mga galaw ng alkalde.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Maliban kay Guo – ilan pa sa mga sinampahan ng kaso ay mga Chinese nationals na opisyal ng Zun Yuan Tech, Hongsheng, at Baofu.

Kabilang din si Dennis Cunanan na maaalalang imbitado rin sa susunod na pagidnig ng Senado.

Si Cunanan naman ay una na ring na-convict sa graft para sa kamay ‘di umano nito sa pork barrel scam.