Suns 2-0 na sa NBA Finals kontra Bucks

Mas lumapit pa ang Phoenix Suns para makuha ang kauna-unahang NBA Championship sa loob ng 53-taon sa liga.

Ito ay matapos muling talunin ang Milwaukee Bucks sa Game 2 ng NBA finals para i-poste ang 2-0 lead sa best-of-7 series, 118- 108.

Read More:  San Miguel forces deciding Game 5 against Ginebra; Converge advances to semifinals

Muling bumida sa panalo ang dalawang superstars ng Suns na sina Devin Booker na humakot ng 31 puntos at Chris Paul na nagtala ng 23 puntos.

Sa kabila nang iniindang injury sa tuhod nagpamalas naman si 2-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo ng mala-halimaw na laro matapos kumamada ng 42 points at 12 rebounds.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Susubukan naman ng Bucks na makabawi sa Game 3 at 4 kung saan lilipat ang laro sa kanilang home court.