BICOL—Pumalo na sa 19,057 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 94 na panibagong nahawa sa sakit.
Pinakamarami nito ay mula sa lalawigan ng Albay na nasa 21 kung saan 14 ang mula sa lungsod ng Legazpi, tatlo sa bayan ng Daraga, dalawa sa lungsod ng Tabaco at tig-isa ang mga bayan ng Camalig at Bacacay.
18 kaso ang nadagdag sa Camarines Sur kung saan anim nito ay mula sa lungsod ng Naga, apat sa bayan ng Pili, tatlo sa bayan ng Calabanga, dalawa sa bayan ng Camaligan at tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Libmanan at Milaor.
17 bagong kaso ang naitala sa Camarines Norte kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Labo, lima sa bayan ng Daet, tigdalawa ang bayan ng Mercedes at Vinzons at tig-isa ang bayan ng Jose Panganiban at Paracale.
Ang Catanduanes ay may 15 bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Viga, apat sa bayan ng San Miguel at tig-iisa ang mga bayan ng Baras, Panganiban, San Andres at Virac.
13 bagong kaso ang nadagdag sa Sorsogon kung saan lima nito ay mula sa Sorsogon City, apat sa bayan ng Irosin, dalawa sa bayan ng Gubat at tig-isa ang bayan ng Prieto Diaz at Pilar.
Ang lalawigan ng Masbate ay nakapagtala ng siyam na bagong kaso kung saan tigdadalawa ang mga bayan ng Aroroy, Balud at lungsod ng Masbate at tig-iisang kaso naman ang mga bayan ng Cataingan, Mandaon at San Fernando habang mayroong isang naitalang nagpositibo na nagmula sa labas ng Bicol region./
Samantala, pumalo na sa 13, 842 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 264 kung saan 106 nito ay mula sa Albay, 90 sa lungsod ng Legazpi, 51 sa Camarines Sur, 12 sa Sorsogon, apat sa Catanduanes at isa sa Masbate.
Umakyat na rin sa 656 ang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ng pito. Tatlo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, dalawa sa Sorsogon at tig-isa ang Albay at camarines Sur.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

