NAGA CITY- Patay ang isang army major matapos na barilin ng isang army captain sa Camp Weene Martillana sa Pili Camarines Sur. Bukod rito nasugatan din ang isang army sergeant sa insidente madaling araw nitong Sabado.
Ayon kay Maj. John Paul Belleza, spokesman ng 9th Infantry Division, Philippine Army, nangyari ito bandang ala- 1:30 ng madaling araw nitong Hunyo 18 sa satellite finance unit sa nasabing bayan.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Maj. Belleza , sinabi nitong hindi na siya babanggit ng mga pangalan ng mga nasawi pati ng sugatang sergeant na non-commissioned officer na mga miyembro ng 5th Finance Service Field Office Finance Center. Hindi aniya organic na miyembro ng 9th Infantry Division.
Samantala, ang suspek naman na army captain ay natagpuan ding patay sa loob ng kampo, binaril umano ang sarili matapos na paputukan ang kasamahan. Ang mga labi ay dadalhin sa Surigao.
Hinihintay ng nina Belleza ang pinal na resulta ng imbestigasyon.