Farm tourism site sa Albay nagkaroon ng paghakot ng turista nitong buwan ng Enero hanggang buwan ng Mayo

LEGAZPI CITY – Hindi lang ang beach destinations sa east and west coast area sa Lalawigan ng Albay ang nagkaroon ng pagtaas o pagdami ng turista nitong buwan ng Enero hanggang buwan ng Mayo.

Ayon kay Dorothy Colle, ang head ng Albay Provincial Tourism Office, nagkaroon din nang paghakot ng turista nitong nabanggit na buwan ay dahil sa tulong Farm Tourism site sa lalawigan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya, sa unang quarter pa lang ay marami na ang nagsisipagpuntahan sa farm tourism na nagsipagbukas sa lalawigan.

Karamihan sa mga ito ay local tourist ang nagpupuntahan dahil sa pormal na umanong binuksan ang turismo sa bansa.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kung titingnan umano halos dalawang taon hindi nakakapasyal sa mga lugar na dapat pinupuntahan dahil sa pandemya.

Sinabi ng opisyal, ang pagdami ng turista sa Albay ay dahil na rin sa pagluwag ng restrictions sa minimum health protocols at nasa alert 1 ng covid 19 ang lalawigan.