Kaso ng Dengue sa Draga, Albay mababa narin sa panahon ng pandemya

LEGAZPI CITY – Bumaba na ang kaso ng Dengue cases sa bayan ng Daraga sa panahon ng pandemya.

Base sa datus ng Municipal Health Office (MHO) sa unang quarter ng taon 2022 nakapagtala na lamang ito ng limang kaso kumpara sa taon 2021 na kaparehong peryudo ay nasa pitong kaso ng dengue cases.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon kay Vergie Barrun , Nurse II ng nasabing opisina, halos bumababa na ang kaso ng dengue sa Daraga kumpara sa wala pang pandemya kung saan lagpas sa 10 o higit pa ang naitatalang kaso ng nasabing sakit Aniya, tanging mayroong tig iisang kaso ng dengue ang Barangay Alcala, Salvacion, Bongalon, Bigao at Barangay Malabog.

Karamihan sa mga tinamaan ng nabangit na sakit ay nasa edad na 4 hanggang 35 years old o ibig sabihin wala ng pinipiling edad pagdating sa kagat ng lamok.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sinabi ni Barrun ang nakikitang dahilan ng pagbaba ng kaso ng dengue sa bayan ay pagiging effort ng mga health care workers sa mga barangay. Nakatulong rin ang TUPAD program ng DOLE kung saan naglilinis ang mga ito sa mga barangay.