Nanawagan si Albay Representative Edcel Lagman sa administrasyong Marcos na magkaroon ng pagpupulong na pangungunahan ng Pilipinas.
Sa pagpupulong na ito ay iimbitahan ang lahat ng bansang sumusuporta sa Pilipinas upang ipakita sa China na suportado ng world community ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea.
Ayon kay Lagman, marami nang bansa ang pumapabor sa atin pero hindi raw ito nabibigyan ng pansin kaya naman umaasa siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ma adopt itong summit suggestion.
Sinabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, dapat magtulungan lahat dahil mahirap ang lagay ng ating bansa at peligroso ang lagay ng mundo dahil sa geopolitical tensions.
Aniya, tumataas ang tiyansa ng giyera kaya dapat iwasan at hindi tayo sumakay sa purely military solutions.