Naghihintay pa ng “feedback” ang Armed forces of the Philippines (AFP) sa mga kaukulang ahensiya kaugnay ng kanilang panawagan na ibalik ng China ang mga kinumpiska nilang armas at equipment sa pinakahuling rotation and resupply missions sa Ayungin Shoal noong June 17.
Maalalang sapilitang kinuha ng China Coast Guard (CCG) ang mga disassembled na armas at equipment ng mga sundalong Pinoy habang pinipigilan ang RoRe mission sa BRP Sierra Madre.
Sa kabila nito muling sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na hindi sila patitinag sa mga hakbang ng China at ipagpapatuloy pa rin ang “resupplying” at “rotating” ng kanilang mga tropa sa WPS dahil ito ang kanilang mandato.
Tiniyak din ni Trinidad na mayroon silang mga kaukulang stratehiya hindi lang sa internal security kundi maging sa WPS.