Sumadsad na MV Mirola 1, napag-alamang walang dokumento ayon sa PCG Bataan

Napag-alaman na walang dokumento ang sumadsad na MV Mirola 1 sa Bataan nitong Hulyo.

Ayon kay PCG Bataan station commander Lt. Commander Michael John Encina, tumakas din ang barko mula Navotas habang mabahura o sumadsad sa Bataan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Aniya, subject na ito ngayon ng kanilang imbestigasyon.

Samantala, nakipag-uganyan na rin sa PCG ang isang kumpanyang magsasagawa ng salvage operation sa sumadsad na barko.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Napag-alaman din na wala ng laman na langis ang barko mula sa naunang napaulat na karga na 3 thousand liters operational fuel diesel oil.