PAGCOR sa pagbalik ng E-Sabong: ‘Puwede namang pag-aralan, pero…’

Binigyang-diin ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na walang utos si Pangulong Bongbong Marcos na pahintulutan na muli ang E-Sabong.

Kasabay nito, para kay Tengco, wala namang masama kung pag-aaralan ang paglilisensya at adjustment sa pag-operate nito sa bansa.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

Naniniwala ang chairman na maraming kailangang adjustment para rito.

Ilan nga riyan ay mode ng pagtaya.

Aniya, dapat itong gawin sa mismong betting station at hindi na online.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Maliban dito, hindi na rin dapat gaiwng 24/7 ang operasyon nito.

Mababatid na noong 2022, pinatigil ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang E-Sabong.