Sulfur dioxide mula Taal Volcano, umabot na sa NCR at mga kalapit na probinsya

Umabot na sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya ang sulfur dioxide o SO2 gas na inilalabas ng bulkang Taal.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Officer-in-Charge and Science and Technology Undersecretary Renato Solidum Jr. , batay sa kanilang datos, maliban sa volcanic fog sa Taal area, na-disperse ang sulfur dioxide sa ilang bahagi ng Luzon kabilang ang NCR at mga karating na probinsya.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Gayunman, sinabi ni Solidum na pinalala pa ng temperature inversion ang smog na nakita sa Metro Manila dulot ng polusyon.

Aniya ayon sa PAGASA, simula noong June 26, nagkaroon ng isang layer ng mainit na hangin at imbes na umangat ang mga pollutants, di ito napapaangat dahil mas malamig ito kaysa sa mainit na hangin kaya lalong dumami ang polusyon sa Metro Manila.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Lumala pa umano ito lalo dahil sa sulfur dioxide mula bulkang Taal dahil nagkaroon ng mataas na emission sa volcano o mahigit 14,000 tonnes per day.

Samantala, sinabi ni Solidum na nananatili sa Alert Level 2 ang Taal volcano.