DILG, nagbabala sa LGUs vs. fixers na nag-aalok ng access sa P13-B financial aid

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan laban sa mga indibidwal na nag-aalok na tulungan silang magkaroon ng access sa P13 bilyong pondo kapalit ng pabor o bayad. 

Sa isang statement, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na nakatanggap sila ng reports mula sa regional at field offices tungkol sa mga swindlers na nagsasabing may access sila sa Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Hinakayat ng kalihim ang LGUs na makipag-coordinate lamang sa regional offices ng Department of Budget and Management (DBM) para matanggap ang pondo at inabisuhang wag makipag transaksyon sa kahit anong third-party entity.

Giit ni Año, dapat protektahan ng LGUs ang pondo ng pamahalaan.  

Binanggit din ng DILG secretary ang Local Budget Circular (LBC) No. 131 o ang guidelines sa paglalabas ng financial assistance sa LGUs kung saan nakasaad na lahat ng applications ay dapat isumite direkta sa DBM at bawal ang third parties sa preparasyon, submission, o facilitation ng requests. 

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Mababatid na ang LGSF-FALGU na nakalaan para pondohan ang development at infrastracture projects sa ilalim ng economic stimulus program ng pamahalaan ay mayroong kabuuang P13.586-billion allocated fund para sa taong 2021.