Suicide incidents sa bansa posibleng bumaba na kasunod ng F2F Classes-School Principal

NAGA CITY – Posibleng bumaba na ang suicide incident sa bansa kasunod ng face-to face classes.

Ito ang pananaw ni Naga Central School I Principal Frederick M. Baldoza, matapos ang  ulat ng Department of Education na mayroong 404 na apat na mag-aaral sa bansa noong 2021 ang kinitila ang sariling buhay, kailangan aniya nasa elementarya pa lamang ay napapangalagaan na ang mental health.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Dexter Galvan, 2147 ang nagtangka at 775, 962 ang mga nagpacouncelling sa 28 million student population.

Binigyan diin ni Baldoza, na malaking tulong sa mental health ng mga estudyante ang maibalik na ang dati nilang ginagawa tulad ng paglalaro sa paaralan, at ang pakikisalamuha sa ibang mga estudyante.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Upang maiwasan ang depression pinalakas ang Mental Health Program isinasama aniya ito sa mga subjects lagi ring kinukumusta ng mga guro at guidance counselor ang mga mag-aaral lalo na ang mga may kakaibang galaw, lagging late at laging lumiliban.

Ang magandang karanasan aniya sa elementarya ay tatatak din sa isip hanggang sa tumuntong sa sekondarya.