Umabot sa 31 ang naitalang sugatan o fireworks-related-injury sa Lambak ng Cagayan mula December 21, 2021 hanggang January 3, 2022.
Ayon sa Department of Health Region 2, 138% o mas mataas ito ng 18 na kaso kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala lamang ng 13.
Karamihan umano sa mga sugatan dahil sa paputok ay kalalakihan at edad 5-65 anyos kung saan nangyari ang insidente sa kanilang mga tahanan.
48% o katumbas ng 15 na indibidwal na naputukan ay mula sa lalawigan ng Cagayan.
Mayorya sa mga ito ay nagtamo ng blast/ burn injury without amputation habang isa naman ay kailangang maputulan ng hindi na nabanggit na bahagi ng katawan dahil sa pinsalang dulot ng paputok.
30 sa naturang kaso ay idinala sa pagamutan ngunit nakauwi rin matapos lapatan ng lunas habang ang isa naman ay patuloy nan aka-admit sa isang Ospital sa Santiago City.
Samantala, wala namang kaso ng natamaan ng stray bullet o ligaw na bala at batang nakalunok ng pulbura ng paputok o firecracker ingestion.