Basura na mahigit dalawang linggo nang hindi hinahakot ng LGU, isinumbong sa Brigada News FM

SORSOGON CITY – Umaalingasaw na at binabangaw pa! ito ang inis na sumbong sa Brigada News ng isang concerned citizen mula sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Ang basura umano ay nakatambak sa harapan mismo ng opisina ng Municipal Tourism Office.

Ayon sa source ng Brigada News, ang basura ay naipon simula pa noong Disyembre 20, ito umano ay basura pa ng mga na-stranded na truck drivers at pasahero.

Nadagdagan pa ito noong Pasko at selebrasyon ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Kung babalikan, ang mga trak at pasahero ay na-starnded simula pa noong Disyembre 1, dahil sa mga isyu ng Gale warning ng PAGASA.

Noong Disyembre 26, kusa nang nagsagawa ng celan-up drive ang Matnog PNP katuwang ang ilang grupo ng fraternities dahil nga sa walang aksyon ang LGU.

Nabatid na isang maliit lang na dump truck ang naghahakot ng basura at ito umano ay pinahiram pa ng Provincial Government, wala din umanong iskedyul ang paghahakot ng basura kundi kung ‘may time’ lang.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Wala ding proper disposal ng garbage o waste management ang nasabing lugar at ang mga basura ay itinatapon lamang sa tabing dagat at ‘swamp area’ kung kaya’t pagdaan ng bagyo at malalakas na ulan ay sa dagat napupunta ang mga basura.

Kung hahakutin ang kasalukuyang nakatambak na basura, ito umano ay aabot sa 10 dump trucks.

PHOTO: Jhunver Gabas Tayde

NOTE: Hindi po si Tayde, na kumuha ng larawan sa mga basura ang nagreklamo, ginamit lang po ang kanyang na-epost na larawan sa facebook.