P11.8M naipamahagi sa mga hog raiser na naapektuhan ng asf sa 3 bayan sa Isabela

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Department of Agriculture Region 2 ng bayad-pinsala sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Kahapon lamang December 7, 2021 ay umabot sa 11.8 million pesos sa mga magsasaka sa bayan ng Quirino, Mallig at Quezon sa lalawigan ng Isabela.

Nasa 493 na mga hog raiser na naapektuhan ng ASF ang nabigyan ng indemnity claims.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ito ay kabayaran sa 2, 363 na mga alagang baboy na naisalalim noon sa culling ng ahensya.

Pinangunahan ni DA Region 2 Executive Director Narciso Edillo ang distribusyon ng ayuda sa mga benepisaryo.

Inihayag din ni RD Edillo na isusunod na rin ng kagawaran ang pamamahagi ng mga sentinel pig kasama na ang vitamin, starter, grower at finisher feeds.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, makalipas ang isang buwan at nagnegatibo ang mga ito sa ASF ay dadagdagan ito ng dalawa pang biik.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga local chief executive ng tatlong bayan sa DA at sinabing makikipagtulungan para manumbalik ang sigla ng hog industry sa kanilang nasasakupan.