Sue Ramirez – ‘feeling blessed’ nang makapasok sa larangan ng teatro

Hindi raw inakala ng aktres na si Sue Ramirez na magbubukas ang pintuan ng kaniyang acting career sa labas ng screens.

Naibahagi ni Sue kung papaano siya nagalak na tumuntong din sa entablado bilang isang theater actor.

Kung maaalala – bibida kasi siya sa musical horror play na ‘Little Shop of Horrors’.

Sabi ni Sue, ito ang kauna-unahan niyang audition para theater at nagpapasalamat siya dahil pinayagan siyang makasama sa auditions.

Noong una – mayroon pa raw siyang ‘self-doubts’ sa pagtuntong sa bagong larangan, pero sinuportahan naman siya ng cast and crew ng ‘Little Shop of Horrors’.

Kuwento niya, maraming hindi nakaaaalam na kaya niyang kumanta.

Sa katunayan, nag-audition siya noon sa showbiz bilang isang singer, pero ‘di siya nabigyan ng pagkakataon na maka-awit.

Gagampanan niya ang leade role ni ‘Audrey’, kung saan, ka-alternate niya rito ang singer-theater actress,host na si Karylle.

Tatakbo ito mula July 6 hanggang 28, at mapanonod sa Globe Auditorium of the Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City, Taguig. (JUSTINE JUMARANG – Brigada News Intern)