PhilHealth, gagamit na ng AI para sa mas mabilis na pagproseso ng health insurance claims

Gagamit na ng Artificial Intelligence (AI) ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth para sa mas mabilis na pagproseso ng mga health insurance benefits.

Ito’y matapos lumagda ang PhilHealth sa Proof of Value Agreement kasama ang software designer na Pulse 63 HV Philippines.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon sa PhilHealth, sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang delay sa approval at payment ng clean claims sa mga partner health facilities nito.

Mababawasan din ang oras ng pagproseso ng mga claims ng pasyente dahil sa deficiencies o kaya naman ay non-compliance sa mga itinatakdang requirements.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dagdag pa ng state health insurer, ang paggamit ng AI ay tiyak na makapagbibigay ng maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino. (Rauvic Cifra – Brigada News Intern)