Farm Drone sa mga sakahan sa Bicol, pinag-aaralan na ng Department of Agriculture

BNFM Bicol-PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Agriculture o DA Bicol ang paggamit ng mga farm drone sa iba’t ibang mga sakahan sa rehiyon.

Ito ang  makabagong teknolohiya para sa modernong pamamaraan ng pagtatanim ng palay na ayon kay Lorenzo L. Alvina, Regional Technical Director for Research ng DA Bicol, mayroon na silang mga drone, ngunit pinag-aaralan pa nila ang tamang paraan ng paggamit nito para sa iba’t ibang layunin sa agrikultura.

Read More:  Python found hidden among stuffed toys at ukay-ukay store in Dumaguete City

Ang mga farm drones ay nagagamit sa mabilisang pagtatanim ng palay, pagpaplano ng irigasyon, pagmo-monitor ng kalusugan ng pananim, pagtatasa ng pinsala, pagsusuri ng kalusugan ng lupa, at paglalagay ng abono at pestisidyo.

Read More:  57-year-old man found dead at quarry site in Lebak

Mayroon itong mga advanced sensors na kayang magbigay ng real-time data tungkol sa moisture levels at kalusugan ng mga pananim.

Sinusuri ng DA Bicol ang kapasidad at availability ng mga drone, na nais nilang mailapit sa mga farmers association sa Bicol ### Rumer Grant, Intern