Kinumpirma ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador na sasagutin ng bilyonaryong si Carlos Slim ang muling pagpapatayo ng subway overpass stretch ng Mexico city na nag-collapsed noong nakaraang buwan.
Sinabi ni Obrador na ito ang tiniyak ni Slim sa nakalipas nilang pulong. Ayon sa pangulo, tiniyak sa kanya ni Slim na sasagutin nito ang lahat ng gastos kasabay ng pagtiyak ng pagtiyak nito sa mga kinakailangang safety measures.
Siniguro din umano ni Slim na hindi na niya hihintayin ang resulta ng imbestigasyon sa pagbigay ng subway overpass at makikipag-usap na kay Mexico city mayor Claudia Sheinbaum para masimulan na ang proyekto at mabuksan muli sa publiko sa lalong madaling panahon.
Matatandaan na marami ang namatay nang bumigay ang elevated portion ng Line 12 o kilalang Golden Line sa Mexico noong May 3.
Una nang ipinagmalaki ang nasabing subway line bilang isa sa pinakamahal at ambitious public works project sa Mexico noong October 2012.
Si Slim ang may-ari ng isa sa mga construction companies na involved sa naturang proyekto.