Naitatalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa mahigit 900 , 25 panibagong kaso naitala kahapon

CAMARINES NORTE – Muling nakapagtala ng 25 panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines norte sa ipinalabas ng Case bulletin report ng DOH Bicol kahapon

Ang mga bagong kaso ay nagmula sa mga bayan Daet na may 9, nakapagtala naman ng tig-tatlong kaso ang bayan ng Labo at Vinzons, tig-da-dalawang kaso ang bayan ng Jose Panganiban, Paracale at San Vicente, habang may tig-isang kaso ang bayan ng San Lorenzo Ruiz at Capalonga

Read More:  PDEA seizes marijuana parcels, arrests one in Aklan

Mayroon namang naitalang 1 pasyente na nakarekober sa sakit

Sumatutal,  pumapalo na sa 916 ang kabuuang bilang ng sakit sa lalawigan, sa bilang na ito, umakyat na sa 330 ang aktibong kaso ng sakit

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Nasa 553 naman ang bilang ng mga nakarekober habang nananatili ang bilang ng mga nasawi sa  32