SORSOGON CITY – Nilinaw ni Commission on Elections, City Election Officer Atty. Carla Jerrera na sa kasalukuyan ay tanging pagwithdraw o pag-atras sa kandidatura ang pinapayagan ng Comelec at hindi na ang substitution.
Ayon dito, ito’y dahil ang itinakdang panahon ng substitution ay nagtapos na umano noong Lunes, Nobyembre 15.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal na ang substitution ay maaari pa rin namang mapayagan sakaling ang aspirante ay nadiskwalipika o di kaya naman ay namatay, subalit aplikable lamang umano ito sa mga mayroong political party at hindi sa mga independent candidates.
Una rito, sinabi ng opisyal na sa ngayon ay tentative list pa lamang ng mga tumatakbong pulitiko ang kanilang hawak kung saan tanging Commission Enbanc lang umano ang maaaring magdeklara ng opisyal na listahan ng mga kandidato.
