Submission ng inventory report ng mga hindi nagamit na resibo pinalawig ng BIR hanggang Hulyo 31

CAMARINES NORTE – Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa pagsusumite ng inventory report ng mga hindi nagamit na Official Receipt’s (OR) /billing statement/ statement of account/statement of charges na kinonvert sa invoice bago o sa Hulyo 31 nitong taon.

Batay ito sa advisory ng BIR- Revenue District Office No 64 sa bayan ng Talisay, Camarines Norte.

Mababatid na  tinanggal nga ng BIR ang transitory provisions ng Revenue Regulations No 7- 2024 patungkol sa “unused” official receipts kung saan inaalis ang December 31, 2024, deadline.

Kung maalala, nagpaso ang ibinigay na deadline ng BIR para sa pagsusumite ng inventory report ng mga nabanggit noong May 27.

Dahil sa Republic Act No 11976 o mas kilala bilang Ease of Paying Taxes Act na naging epektibo Enero nitong taon, ay hindi na official receipt ang kikilalaning principal na resibo kundi invoice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *