Isa patay sa Pertussis sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Tatlo na ang naitalang kaso ng pertussis sa Camarines Norte at isa dito ang namatay batay sa pinakahuling pertussis bulletin ng Department of Health Bicol na inilabas nitong Martes, July 9 para sa January 1 to July 6,2024 period.

Wala pang pahayag sa ngayon ang local health authorities sa Camarines Norte ukol dito.

Pero bago pa man magkaroon ng pinaka unang kaso ng pertussis sa lalawigan noong huling linggo ng Mayo ay naglabas na ng mga paalala ang Provincial Health Office.

Ipinapayo ng ahensiya ang pagsusuot ng facemask, madalas na paghuhugas ng kamay, i- practice ang cough and sneeze etiquette, umiwas sa matataong lugar at palakasin ang Epidemiologic and Surveillance ng mga Rural Health Unit.

Ang pertussis o “whooping cough” ay nakakahawang sakit na nakamamatay lalo na sa mga sanggol.

Paalala ng DOH, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kapag may sintomas ng pertussis tulad ng sipon, ubo at lagnat kapag lumalala ang pag-ubo sa loob ng 1-2 linggo.

Ang whooping cough ay sinusundan ng matinis at ipit na paghinga matapos umubo; maaari ring magdulot ng pagsusuka, at hirap sa paghinga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *