Stingless Beekeeping Free Seminar, isasagawa sa Goa, Camarines Sur

CAMARINES SUR — Isasagawa ngayong Pebrero sa bayan ng Goa, Camarines Sur, katuwang ang Central Bicol State University of Agriculture-Regional Apiculture Center, JCI Pili Isarog, at iba pang organisasyon, ang libreng seminar sa stingless beekeeping.

Ayon kay Mayor Marcel Pan, maliban rito,  ang mapipiling benipesyaryo ay bibigyan rin ng kapital ng lokal na pamahalaan at tuturuan rin ng tamang marketing strategy. Sa ngayon, bukas na ang opisina ng alkalde para sa mga magpapalista at nais mag-invest sa naturang negosyo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

 “Ang seminar po gagawin dito sa Goa Sports Complex sa Miyerkules, Pebrero 21, 2024, simula 7:30 am hanggang alas cinco ng hapon.  Yong mga gusto pong mag-invest, welcome po kayong mag-attend” saad ng alkade sa kanyang facebook post. 

Samantala, umaasa naman ang lokal na pamahalaan na marami ang magkaka-interes sa pag-i-invest sa Stingless Beekeeping, lalo na at hindi lamang ito panghanap-buhay kun’di makakatulong rin ito sa pagpaparami sa bunga ng niyog at ilan pang namumungang-punong kahoy dahil sa malaking ambag nito sa “pollination”.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Matatandaang, isinagawa na rin sa nasabing bayan nitong nakalipas na linggo, January 27-28, 2024, sa Sitio Apog, Brgy. Aroro, ang  Phase II ng Beekeeping Training para sa mga noo’y wild bee hunters na ngayon ay beekeepers na. Kung saan itinuro sa mga ito ang mga  environmental-friendly na  pamamaraan ng pag-ani ng mga honey, kabilang na ang paggamit ng Stingless bee technology.