Pagkabansot ng mga bata sa ilang Barangay sa Naga tututukan

NAGA CITY –Mas pang papaigtingin ng Naga City Population and Nutrition Office ang pagpatupad ng mga programa hinggil sa tamang kalusugan ng mga bata lalo na doon sa tatlong barangay na naitala nilang may mataas na kaso ng malnutrisyon at pagkabansot ng mga bata noong 2023.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Arvin Villacruz, Program coordinator ng NCPNO na ang mga barangay na ito ay ang Panicuason, Concepcion Grande at Calauag. May ilang factors silang kinokonsidera kung bakit may ganito pa ring kaso. Ibinigay na halimbawa ang pagpapakain ng hindi masustansya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaya dapat may kompletong bakuna at bitamina sa pagsilang hanggang sa maging dalawang taon ang bata upang hindi maging bansot.