Inirerekomenda na magpatupad ng state of calamity sa buong Bataan.
Ito ay dahil sa libu-libo na ang apektadong residente dahil sa oil spill na dala ng MTKR Terranova.

Ayon sa Philippine Coast Guard hindi pa nila masimulan ang paghigop dahil hindi pa tapos ang pagselyo sa mga valve ng barko.
Samantala, tutulong na ang US Coast Guard sa pagsalba sa MTKR Terranova.