Fishing ban sa siyam na Coastal areas sa Cavite, ipinatupad

Ipinatupad ang fishing ban sa siyam na coastal area sa Cavite matapos na makaabot umano ang oil spill sa Bataan sa naturang probinsiya.

Mababatid na ibihagi Cavite Gov. Jonvic Remulla ang mga bagong huling alimasag na hindi na mapapakinabangan dahil may mga langis na umano ito.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon sa lokal na pamahalaan hindi pa matiyak sa ngayon kung galing sa lumubog na MTKR Terranova ang langis na nakita sa mga patay na isda sa ilang dalampasigan sa Cavite.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sa ngayon walong lugar sa Cavite ang itinaas na sa state of calamity.

Kabilang dito ang Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate.