Sta. Rita Transport Coop, pansamantalang magtitigil pasada sa Mayo 14

Magtitigil pasada pansamantala ang mga yellow jeepney na kasapi ng Sta. Rita Transport Cooperative sa Olongapo.

Ito ay para bigyan daan ang isang araw na general assembly ng kooperatiba sa araw ng Sabado Mayo 14.

Read More:  PDEA Davao Sur arrests drug personality, seizes P780K illegal drugs

Ayon kay General Manager Rodel Manalo ng kooperatiba, walang papasadang yellow jeep sa boung lungsod mula 8 ng umaga hanggang alas singko ng hapon ngunit hahalili sa ruta nito ang ibang mga  linya ng jeepney.

Humiling na umano ng 100-units ng jeepney na hahalili muna ang grupo sa Olongapo Bataan Zambales Transport Federation para mayroong makapagserbisyo sa mga mananakay sa nabanggit na araw.

Read More:  Seven people escape serious injury after multicab plunges into 25-meter ravine in Cebu

Samantala, inaabisuhan ang publiko na agad magbabalik ang serbisyo ng kooperatiba pagkatapos ng general assembly. //Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO      

May be an image of 1 person, drink, body of water and text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE Malapit na... Treat yourself with NUTRICLEANSE para SEXY sa Valentine's Day!'