Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Daet inindorso ang Robredo- Pangilinan tandem

CAMARINES NORTE- Inindorso ng Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Daet sa Camarines Norte ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka Pangulo at ka- tandem nitong si Senador Kiko Pangilinan bilang Pangalawang Pangulo sa May 9, 2022 National and Local Elections.

Sa isang pahayag na pirmado ng kanilang Pangulo na si Merle Fontanilla, binigyang diin ng grupo na ang hakbang na ito ay dahil sa pagnanais nilang mawakasan ang kultura ng kurapsyon, kawalan ng hustisya, kahirapan, pagpatay at lantarang pagbaluktot sa kasaysayan at katotohanan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kung ito umano ay patuloy na pababayaan at ipagpipikit mata, ang kinabukasan ng bawat pamilya at ng kabataan ang patuloy na magiging biktima.

Naniniwala umano ang grupo sa pagkatao at kwaplipikasyon nina Robredo at Pangilinan bilang mga pinuno na magaangat at magsusulong ng matapat at makataong gobyerno.

Hinimok din ng rgupo ang lahat ng Laiko sa Diyosesis ng Daet na aktibong makilahok at makisangkot sa darating na Halalan habang nakikiisa sa pagsuporta sa inindorsong kandidato ng Sangguniang Laiko.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Gayunman, nilinaw ng grupo na kanilang pinapanatili ang pagpapahalaga sa personal na kalayaan at karapatan sa pagpili ng bawat indibidwal sa darating na halalan.

Samantala, makikita naman ang isang malaking tarpaulin sa labas ng simbahan ng Paroquia De San Juan Bautista na may nakasulat na “Makonsensya ka naman! Bumoto nang tawa at wasto.