Higit 180 PDLs, boboto sa Mayo 9

SORSOGON CITY – Kabuuang 187 persons deprived of liberty (PDLs) na mga rehistradong botante ang nakatakdang bumoto sa halalan sa Mayo 9, ayon ito sa pahayag sa Brigada News ng BJMP-Sorsogon.

Hindi na umano kailangang lumabas ng jail ang mga PDLs, bagkus ay sa loob mismo ng pasilidad gagawin ang pagboto.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Bunsod nito, hindi na kailangang kumuha ng court order dahil hindi na ilalabas ng pasilidad para bumoto ang mga PDLs.

May mga tauhan ng Comelec at mga guro na tatayo bilang mga Electoral Board ang tutungo sa jail facility para isagawa ang botohan.

Maaari lamang bumoto ang mga PDLs para sa posisyon ng pagka-pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at party-list kahintulad ng absentee voting.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Una rito, noong kasagsagan ng campaign period ay tinulungan ng jail personnel ang mga registered PDLs na maipaalam ang plataporma ng mga kandidato sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng akses sa radyo at telebisyon upang makapanood ng mga panayam at debate ng mga kandidato.