Muling nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga miyembro nito hinggil sa availment period ng condonation program na magtatapos na sa Mayo.
Sa panayam ng Brigada News FM hinimok ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo ang mga may pagkakautang sa SSS na agad na makipag ugnayan sa kanilang opisina at i- avail ang programa.
Sa mga employer na may short term loans at hindi nabayarang contributions ng kanilang empleado ay mayroong existing program na condonation of penalties na magtatapos na sa Mayo 19, 2022 na dapat sana ay noon pang Marso pero pinalawig ng ahensiya.
Ang mga delinquent employers ay maaaring i- avail ang programa.
Magtatapos naman sa Mayo 14, 2022 ang condonation on penalty for short term member loans.
Ang mga may hindi nabayaran at hindi nakapag avail ng condonation noong mga nagdaang taon ay maaaring mag inquire sa opisina ng SSS o i- avail ito online sa pamamagitan ng My.SSS
Sa Mayo 14 din ng taong kasalukuyan magtatapos ang condonation sa housing loan.
Ayon kay Robredo hindi na dapat maghintay sa huling araw ng filing ang mga miyembro upang kung sakaling mayroong mga deficiency ay maayos agad.
Wala naman umanong nabago sa paraan at requirements ng pag- avail ng programa maliban sa pagpapalawig ng petsa.