BNFM BICOL—Bilang paghahanda sa nalalapit na implementasyon ng ‘progressive expansion OF face to face classes’, isinagawa ng Municipal at Barangay Composite Team sa bayan ng Camalig, Albay ang area assessment sa dalawang pampublikong paaralang pansekondarya sa nasabing lugar.
Layunin umano ng nasabing assessment ang masiguro ang kahandaan ng naturang mga paaralan at matiyak na magiging ligtas ang mga estudyante, guro at iba pang mga school personnel sakaling simulan na ang pilot implementation ng face to face learning.
Kabilang sa mga miyembro ng composite teams ang mga personahe mula sa Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO), Municipal Engineering Office (MEO), Philippine National Police (PNP) at maging ang mga lokal na opisyal, kung saan ilan sa mga salik na ina-assess ng mga ito ang hinggil sa public health, safety at peace and order.###