SSS hinimok ang mga miyembro na may unpaid short-term loans na mag- avail ng condonation program

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na may unpaid short-term loans na samantalahin ang consolidation ng past due short-term member loans na may condonation of penalty.

Sa isang press briefing sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na on- going pa rin ang naturang programa  at para ma- avail ito ay kinakailangang mag- register sa My.SSS account.

Read More:  Three Iloilo police officers relieved after shooting doctor accused in hit-and-run

Kabilang sa mga miyembrong kwalipikadong mag-avail ng program ay ang mga mayroong outstanding salary loans at ang mga may salary loan early renewal program (SLERP), calamity, emergency loan at restructured loan.

Read More:  11 arrested in suspected drug den raid in Maguindanao del Sur

Sa ilalim ng programa, pag-iisahin ng SSS ang principal at interest ng past-due short-term member loans para gawing isang consolidated loan.

Ang mga hindi naman nabayarang penalties ay tatanggalin sa sandaling ang miyembro ay nakapag-full payment na sa consolidated loan.