Daet Municipal Tourism Office, nagsagawa ng screening para sa gaganaping Miss Daet at Miss Gay Pinyasan 2023 ngayong buwan ng Hunyo

CAMARINES NORTE- Isinagawa kahapon, alas 8 hanggang alas 10 ng umaga, May 29, 2023, sa Daet Heritage center ang screening process para sa gaganaping Miss Daet 2023

Base sa guidelines ng Tourism Office ng Daet, casual dress dapat ang suot ng mga lalahok sa nasabing patimpalak, naka-high heels at mayroon lang dapat na light make-up.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Samantala, noong isang araw, May 28, ay una ng isinagawa ang screening process para sa mga kalahok sa Miss Gay Pinyasan 2023

Ang proseso ng screening ay isasagawa at pangasiwaan ng Miss Daet at Miss Gay Pinyasan 2023 Executive Committee.

Matatandaan, May 18 ngayong taon ng ianunsyo ng Tourism Office ng bayan ng Daet ang nasabing patimpalak.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Magaganap ang Grand Pageant night ng Miss Gay Pinyasan 2023, alas 7 ng gabi sa Agro Sports Center sa ika-20 ng Hunyo at ika-22 naman ng Hunyo ang Miss Daet 2023.

Ang nasabing mga patimpalak ay kaugnay sa magaganap na ika-30 Pinyasan Festival sa bayan ng Daet, Camarines Norte.