Nagsagawa ang Social Security System ng SSS e-Wheels program sa Sitio Parola Cawag, Subic, Zambales kamakailan.
Ito ay para mas mailapit ang mga serbisyo sa mamamayan sa mga malalayong lugar.
Kabilang sa programa ang oryentasyon tungkol sa mga programa ng SSS at pag-asiste sa 120 partisipante sa aktibidad.
Ang iba pang serbisyo ay pag-isyu ng Social Security (SS) Number and Payment Reference Number (PRN), My.SSS registration at online payment assistance sa pamamagitan ng mga payment partners.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: SSS
