SRP sa school supplies, inilabas na ng DTI

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) sa mga school supplies o gamit pang-eskwela.

Kabilang sa mga school supplies na mayroon nang itinakdang SRP ay ang notebooks at mga brand nito, pad papers, lapis, ballpen, eraser, crayons, pantasa, ruler at iba pa.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Naglalaro mula P8 hanggang P13 ang kada isang piraso ng lapis batay sa inilabas na SRP ng DTI, depende sa brand.

Sa pad papers naman, nakadepende rin ang presyo nito sa brand at sa kung pang-anong baitang ang papel na gagamitin.

Una nang ipinunto ni DTI Undersecretary Atty. Ruth Castelo na magsisilbing gabay para sa mga mamimili ang ilalabas nila na SRP sa school supplies sa kung magkano talaga ang dapat na halaga ng mga ito.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Mababatid na ito ang unang pagkakataon na naglabas muli ng SRP ang ahensya sa school supplies makalipas ang dalawang taon kung saan nahinto ang face-to-face classes dahil sa pandemya.
#