Simbahan, mga mambabatas – hati ang reaksyon sa same-sex civil union bill

Pinuri ni Senadora Risa Hontiveros ang inihaing panukala ni Senador Robinhood Padilla na layong kilalanin ang civil union ng mga same-sex couples.

Sa ilalim kasi ng Senate Bill No. 449 o ‘Civil Unions Act’, gagawin nang institutionalized ang civil unions ng mga same-sex couples, pati na rin ang paggkilala sa pantay na karapatan at pribilehiyo ng mg mga miyembro ng LGBTQIA+.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ayon kay Hontiveros, umaasa umano siyang makatutuwang niya si Padilla sa pagsusulong ng mga programa sa Senado para sa equality ng iba’t ibang mga kasarian.

Kabilang na rin aniya rito ang pagsusulong sa kanyang panukala na SOGIE Equality Bill.

Sa kabila nito, nanindigan pa rin ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP na ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan ay para sa lalaki at babae lamang.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Sa panayam, sinabi ni CBCP Episcopal Commission on Public Affairs exec. sec. Fr. Jerome Secillano na iba pa rin ang legality sa morality.

Tiniyak pa nito na handa silang dumalo sa mga idaraos na pagdinig ng Kongreso para sa panukala.

Bukas umano silang magbigay ng kanilang mga opinyon sa harap ng mga mambabatas kung kakailanganin.
#