Naging matagumpay umano ang spinal surgery sa aktor na si Pen Medina, matapos itong manatili sa loob ilang linggo sa ospital na bed-ridden.
Kaugnay nito, nagbahagi ang aktor ng update sa pamamagitan ng social media, at nagpasalamat sa lahat ng tumulong sa procedure.
Giit ni Medina, hindi pa po tapos ang kanyang laban, kaya kakailanganin pa umano niya ng maraming dasal mula sa mga kababayan.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, nang manawagan ang kanyang anak na si Alex ng tulong para kay Pen, dahil sa sakit na Degenerative Disk Disease (DDD).
Sa kanyang post, sinabi ni Alex na hindi nakakaupo o nakakatayo ang kanyang ama.