Nakakuha ng pagkakataon ang aktres na si Liza Soberano na makasayaw ang ilang mga kilalang South Korean stars.
Makikita kasi ilang dance video clips ni Soberano kasama ang singer at entrepreneur na si Jay Park at Donghyuk ng sikat na K-pop group na iKON.
Sa kaniyang Instagram account, inilabas ni Park ang dance cover nila ni Soberano ng bago nitong awitin na “Need To Know,” habang sa TikTok account ni Donghyuk ng iKON naman lumabas ang clip ng kanilang sayaw.
Nagpasalamat naman si Soberano sa Korean star sa pagkakataon.
Matatandaan na noong Hunyo, kinumpirma ni Soberano na lumipat na siya sa talent agency ni Reid mula kay Ogie Diaz.