“I saw it coming”
‘yan na lang ang nasabi ni Senador Migz Zubiri matapos ang pagbaba niya sa kanyang pwesto bilang dating Senate President.
Ayon kay Zubiri, noong nakaraang Miyerkules pa lang ay napag-alaman na niyang nag-uusap na ang kabilang grupo tungkol sa pagpaalis sa kanya sa pwesto.
Dagdag pa niya, marahil ang pangunahing rason ng pagkaalis niya sa pwesto ay ang hindi niya pagsang-ayon sa isinusulong noon na people’s initiative (PI).
Samantala, inamin naman din niyang na-heartbroken siya hindi dahil sa pagkaalis niya sa pwesto kundi dahil sa biglaang pagkawala ng ilang mga senador na nagsabing susuportahan siya.
Maalala, ayon kay Zubiri nasa labing-apat na senador ang di umano’y nagkampihan para mapatalsik siya.