Kutsinta Vendor, patay sa aksidente sa Pamplona, Camarines Sur

NAGA CITY- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang kutsinta vendor sa Pamplona, Camarines Sur matapos na maararo ng urban nissan van ang minamaneho nitong motorsiklo linggo ng umaga Mayo 19, 2024.

Sa ulat ng PNP Pamplona nakaidlip saglit ang 22-anyos na driver ng van na si John na na patungo sa Baao, Camarines Sur. Nakain ang linya sa kabila at naararo ang motorsiklong minameho ng 41-anyos na si Rezalde alyas “Burnok” ng Del Rosario Pamplona, nang mga oras na iyon ay pansamantalang nakahinto sa tabi ng kalsada dahil na nga sa pagbebentang naturang kakanin. Dinala sa ospital ang mga sugatan pero sinampalad si Burnok.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid
Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Kinumpirma naman sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Michael Fortunado na nag-usap na ang magkabilang panig at magkakaroon ng settlement.