LTO Caravan isinagawa sa Subic Bay

Naghatid ng serbisyo ang Land Transportation Office Region III sa Subic Bay nitong Martes.

Ito ay sa pamamagitan ng isinagawang Caravan na idinaos sa LTO Subic Bay mula alas otso ng umaga.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nagsagawa ng isang araw na seminar at libre para sa theoretical driving course sa mga kukuha ng student permit.

Maliban dito, dumating rin ang LTO on Wheels na may hatid na serbisyo para aplikasyon ng student permit at renewal ng registration.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Ayon sa LTO, ang renewal of license ay hindi pa kabilang sa serbisyo ng on wheels dahil wala pang naka-install na printer para sa card.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO