SP Escudero – tiwalang marapat lang maratipikahan ang RAA sa kabila man ng posibleng ‘agitation’ ng China

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero sa publiko na bubusisiin at pag-aaralan nilang mabuti ang pagratipika sa Reciprocal Access Agreement (RAA).

Kasunod ito sa naging paglagda nina Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko sa kasunduan.

Sa ilalim ng RAA, papahintulutan ng Pilipinas ang pagsali ng mas marami pang Japanese forces sa annual military exercise ng Pilipinas at Estados Unidos.

Maliban pa roon, papahintulutan din ang mga ito na magbigay ng humanitarian assistance kung kinakailangan.

Kaugnay nito, tiwala si Escudero na marapat lang itong gawin kung para ito sa ‘national interest’ ng bansa sa kabila ng posibleng ‘agitation’ o pangangalit ng China.

Dagdag pa niya, maituturing din itong mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kakayahan ng militar at maging ng alyansa ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *