Grupo ng mga motorista, nagsagawa ng fund raising ride bilang suporta sa rehabilitasyon ng Southern Tagalog’s historical lighthouse

BATANGAS CITY – Nakilahok ang grupo ng mga motorista sa fund-raising ride bilang suporta sa rehabilitasyon ng Southern Tagalog’s historical lighthouse.

Nagsimula ang fund raising ride mula San Nicolas hanggang Calatagan, Batangas.

Ito ay bilang pag gunita sa 50th founding anniversary ng Maritime Safety Services Command.

Ang naturang event ay naisagawa sa pangunguna ni Deputy Chief of Coast Guard Staff for Maritime Safety Services at sa pakikipagtulungan sa Maritime Safety Services Command and Coast Guard District Southern Tagalog.

Samantala, layunin umano ng naturang aktibidad na maipaalam sa publiko ang kahalagahang historikal at kultural ng heritage lighthouse sa Southern Tagalog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *