Coast Guard Station Occidental Mindoro, nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive sa bayan ng San Jose

Matagumpay na naisagawa ng Coast Guard Station Occidental Mindoro ang coastal clean-up drive sa Purok Bayanihan, Barangay Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro.

Katuwang sa nasabing programa ang CGSOM Marine Environmental Protection Enforcement and Response Group, CGSOM-K9 Unit at mga opisyales ng barangay ng naturang lugar.

Aabot sa talumpu’t-tatlong sako na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng plastik at marine debris ang nakolekta sa ginawang coastal clean-up.

Ang inisyatibong ito ay naglalayong maghatid ng kamalayan sa publiko upang panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng dalampasigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *