Ipinunto ni Senate President Chiz Escudero na marapat lang na maimbestigahang mabuti ng National Bureau of Investigation (NBI) ang natuklasang 1,200 na fake birth certificates sa Davao del Sur.
Anya, tila ‘tip of the iceberg’ pa lang kase ito sa mga nagiging panloloko sa bansa kung kaya’t magandang mahanap at matukoy ang mga may sala sa likod nito.
Dagdag pa niya, tiwala siyang hindi lang si Alice Leal Guo ang kauna-unahan at kahuli-hulihang magpepeke ng birth certificate.
Samantala, kaparehong sentimyento na magkaroon ng komprehensibong imbestigasyon din ang ibinahagi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel dahil nakakalaarma na umano ang isyu tungkol dito.
Ani Pimentel, tiyak naman siyang tutulong ang alkalde ng Davao sa pagsasagawa ng pagsisiyasat dito.