SP- Catanduanes, bubuo ng regulasyon hinggil sa pagsasaayos ng mga motorized delivery services sa probinsya

CATANDUANES—Nakatakdang bumuo ng regulasyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes hinggil sa pagsasaayos ng mga motorized delivery services sa islang lalawigan.

Nitong mga nakaraang araw ay inimbitahan ni Provincial Board Member Robert Fernandez sa isang committee hearing ng Peace and Order ang tanggapan ng Land Transportation Office, PNP Virac at ang mga delivery services sa kabiserang bayan ng Virac.

Sa naturang committee hearing, napagkasunduan ang pagbabalangkas ng ordinansa na ipasusunod sa mga nag o-operate na delivery services sa lalawigan.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Inihalimbawa dito ang pag required sa mga ito ng malinaw na pagkakakilanlan o identification kagaya ng sticker ng kompanya sa mga sasakyang ginagamit sa deliveries at ang kumpletong rehistro ng mga ito.

Hindi rin dapat lumagpas sa sampong kilo ang timbang ng mga parcels na kanilang isinasakay sakanilang mga motor habang hindi naman hihigit sa 20 kilo ang karga ng mga top down tricycle.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang minimum weight na mga ito ng kanilang ikakargang deliveries ay nakapaloob sa isang batas partikular ang R.A 4136 o mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code.

Nabuksan ang naturang isyu at usapin matapos na aksidenteng mabundol ng isang delivery rider ang sasakyan ng isang bokal sa islang lalawigan.###