12 bayan sa Camarines Norte nagkulay pula sa COVID- 19 tracker

CAMARINES NORTE- Kulay pula ang buong lalawigan ng Camarines Norte sa COVID- 19 tracker o nangangahulugan na lahat ng bayan ay mayroong aktibong kaso as of July 26, 2021.

Batay sa COVID- 19 tracker ng Provincial Health Office (PHO) nangunguna sa may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID- 19 ay ang bayan ng Daet na mayroong 118 na sinusundan ng Vinzons na mayroong 35.

Pasok din sa limang bayan na may pinakamaraming kaso ay ang Labo na mayroong 26, Sta Elena na may 25 at Paracale na may 22.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Pinakakaunti naman ang aktibong kaso sa bayan ng Capalonga na mayroong 4.

Sa kabuuan nasa 298 ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan na mas mababa sa 311 base naman sa tala ng Department of Health (DOH).

Nasa 883 naman ang gumaling na mas mataas  sa 881 sa datos ng DOH.

Mula nang tumama ang pandemya nasa 64 na ang bilang ng mga nasawi na mas mataas sa 55 na base naman sa tala ng DOH.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Paliwanag ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, nagkaroon sila ng ganitong numero sa bilang ng kabuuang namatay dahil sinusog umano nila sa bawat Rural Health Unit at ospital sa mga ipinapadalang death certificate.

Nagkakaroon umano ng delay sa pagpapadala ng death certificate kaya’t naantala rin ang pagbato sa data tracker ng DOH.