Southern Metro Manila police stations, inatasang palakasin ang police presence at pagpapatrolya

Inatasan na ni Southern Police District Director PBGEN LEON VICTOR ROSETE ang lahat ng police stations sa Southern Metro Manila na palakasin ang kanilang police presence at pagpapatrolya.

Ito’y kausnod ng nakakabahalang pagdami ng insidente ng pamamaril.

Ayon kay BGen. Rosete, magpapatupad din sila ng mga strategic checkpoints upang mapigilan ang anumang criminal activities.

Nauunawaan nila ang takot at pag-aalala na dulot nito sa mga residente.

Pero pagtitiyak niya na nananatiling pangunahing prayoridad ng pulisya ang kaligtasan at seguridad ng bawat indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *